Patakaran sa Privacy
Nakatuon ang SaturdayClub sa pagprotekta sa privacy ng mga bumibisita sa Site at responsable ito sa lahat ng personal na datos na nakolekta. Gagamitin at ipoproseso nang patas at ayon sa batas ang lahat ng personal na datos na nakolekta habang nasa aming pag-aari o pangangalaga.
Hihingin ng SaturdayClub ang inyong email address at iba pang detalye para maproseso ang inyong pagpaparehistro. Kailangan ito para magamit nang buo ng mga user ang Site at makapagsagawa ng mga transaksyon sa pamamagitan ng Clout Shoppe
Mangongolekta rin kami ng personal na impormasyon kapag pinili ninyong gamitin ang iba pang feature ng Site, gaya ng pakikipag-interact sa mga forum, lookbook, pag-post ng komento, pagsasagawa ng transaksyon o pakikilahok sa poll o survey. Hindi kayo obligadong magbigay ng anumang impormasyon sa amin, ngunit maaari nitong limitahan ang paggamit ninyo sa ilang feature at serbisyo ng Site.
Bukod dito, awtomatiko naming sinusubaybayan ang ilang impormasyon tungkol sa inyo batay sa paggamit ninyo ng Site. Gagamit kami ng session cookies, web beacons at iba pang teknolohiya para mangalap ng impormasyon tungkol sa inyong navigational patterns sa Site. Maaari ninyong piliing i-block o i-disable ang cookies anumang oras sa inyong browser; gayunpaman, maaari nitong pigilan kayong ma-access ang ilang function ng Site.
Kung magpapasya kayong mag-imbita ng isang tao na sumali sa SaturdayClub, kailangan ninyong ibigay ang kaniyang pangalan at email address. Iniimbak namin ang impormasyong ito para masubaybayan ang resulta ng mga referral sa imbitasyon at mabilang ang referral incentives.
Ginagamit ng SaturdayClub ang inyong personal na impormasyon para kumpletuhin ang mga transaksyon, sagutin ang inyong mga tanong at request, tuparin ang customer service, pagbutihin ang aming marketing at promotional efforts, suriin ang paggamit ng Site, pagbutihin ang aming content at alok na produkto, at abisuhan kayo (sa pamamagitan ng email o iba pa) tungkol sa mga event, promosyon, update o special offer na maaaring makapukaw ng inyong interes. Sa paggamit ng aming Site at pagtanggap sa Patakaran sa Privacy na ito, tahasan kayong sumasang-ayong tumanggap ng mga naturang abiso at komunikasyon mula sa amin. Kung ayaw na ninyong tumanggap ng mga naturang komunikasyon, sundin ang mga tagubilin sa "unsubscribe" na lumalabas sa bawat email ng cloutshoppe.com.
Bilang patakaran, hindi ibubunyag, ibabahagi, ililipat, ibebenta o ipapaupa ng SaturdayClub ang personal na nakakakilanlang impormasyon sa sinumang 3rd party. Kung magsanib o makuha ng ibang business entity ang SaturdayClub o alinman sa Group Companies, ibabahagi ang ilan o lahat ng inyong impormasyon para patuloy na maibigay sa inyo ang mga serbisyong available sa Site.
Hindi namin itinatago ang personal na data nang lampas sa kinakailangan para sa mga layuning pinagkolektahan nito. Kung kakailanganin naming gamitin ang personal na data para sa bagong layunin, titiyakin naming makakakuha kami ng pahintulot ng user bago gamitin ang personal na data ng user para sa bagong layunin.
Hindi namin ipapakita o gagawing available sa publiko, sa pamamagitan man ng online directory, listahan ng customer o iba pa, ang nakolektang personally identifiable information.
Kung sasali kayo sa mga forum, chat room o anumang bahagi ng Site na bukas sa publiko, tandaan na mababasa, makokolekta o magagamit ng sinuman para sa anumang layunin ang anumang personal na nakakakilanlang impormasyong isusumite ninyo roon. Hindi kami mananagot sa personal na nakakakilanlan o iba pang impormasyong pipiliin ninyong isumite sa mga forum na ito.
Inilalaan ng SaturdayClub ang karapatang magbunyag ng impormasyon upang sumunod sa subpoena, court order, administrative o governmental order, o anumang iba pang requirement ng batas, o kapag, ayon sa sarili naming pagpapasya, naniniwala kaming kinakailangan ito upang protektahan ang aming mga karapatan o ang karapatan ng iba, maiwasan ang pinsala sa tao o ari-arian, labanan ang panloloko at bawasan ang credit risk.
Sumasang-ayon kayong igalang ang personal na impormasyon ng ibang user na makukuha ninyo sa pamamagitan ng Site o ng anumang komunikasyon o transaksyong may kaugnayan sa SaturdayClub.
Bukod dito, hindi ninyo dapat ibunyag sa anumang third party ang personal na impormasyon ng ibang user nang walang aming pahintulot at pahintulot ng user na iyon pagkatapos ng sapat na paglalahad. Tandaan na magkakaiba ang karapatang ibinibigay sa mga law enforcement personnel at iba pang may hawak ng karapatan kaugnay ng impormasyong nakukuha nila.
Hindi kami at ang aming mga user nagpapalagpas ng spam.
Responsable kayo sa lahat ng aksyong ginawa gamit ang inyong username at/o password. Kaya hindi ninyo dapat ibigay ang inyong password sa SaturdayClub sa sinumang third party. Kung pipiliin ninyong ibahagi ang inyong username at/o password o inyong impormasyon sa mga third party para makapagbigay sa inyo ng karagdagang serbisyo, sumasang-ayon kayong responsable kayo sa lahat ng aksyong ginawa gamit ang inyong username at/o password, kaya dapat ninyong suriin ang patakaran sa privacy ng third party na iyon. Kung mawalan kayo ng kontrol sa inyong password, maaari kayong mawalan ng malaking kontrol sa inyong personal na impormasyon at maaaring masakop kayo ng mga aksyong may legal na bisa na ginawa sa ngalan ninyo. Kaya, kung nakompromiso ang inyong password sa anumang dahilan, dapat ninyong agad palitan ang inyong password at ipaalam sa SaturdayClub.
May naaangkop na security safeguard para protektahan ang personal na data laban sa hindi awtorisadong pag-access, maling paggamit, pagbubunyag, pagkopya, paggamit, pagbabago, aksidenteng pagkawala o pagnanakaw, pagkasira o pinsala.
Mga awtorisadong tauhan lamang ang may access sa aming mga sistema, at alam ng lahat ng empleyado sa aming organisasyon ang kahalagahan ng pagpapanatili ng confidentiality ng personal na data na kinolekta mula sa mga user.
Hindi eligible ang mga user na wala pang 18 taong gulang na gamitin ang aming mga serbisyo o bumili ng anumang produkto online.
Hindi humihingi ang SaturdayClub ng anumang personal na impormasyon mula sa mga bata, at hinihiling naming huwag magsumite ang mga bata ng anumang personal na impormasyon sa amin online. Kung wala pa kayong 18 taong gulang, maaari lang ninyong gamitin ang Site kung nakakuha kayo ng pahintulot mula sa inyong magulang/legal guardian o kung nasa ilalim kayo ng pangangasiwa ng inyong magulang o legal guardian.
May mga link ang SaturdayClub sa ibang site. Tandaan na hindi kami mananagot sa mga gawi sa privacy ng mga site na iyon. Para lamang sa impormasyong kinokolekta ng Site na ito ang Patakaran sa Privacy na ito.
Hindi kami responsable sa kung paano kinokolekta, ginagamit, ibinubunyag, o pinoprotektahan ng ibang kumpanya o organisasyon ang impormasyong ibibigay ninyo sa kanila. Kung pipiliin ninyong mag-access ng third party site na naka-link sa aming Site, ginagawa ninyo ito sa sarili ninyong panganib at napapailalim sa anumang tuntunin ng serbisyo o patakaran sa privacy (kung mayroon) ng mga naturang third party site. Hinihikayat namin kayong magtanong bago ibunyag ang inyong personal na impormasyon sa anumang third party.
Inilalaan ng SaturdayClub ang karapatang amyendahan o baguhin ang Patakaran sa Privacy na ito paminsan-minsan ayon sa sarili naming pagpapasya. Ipo-post namin dito ang binagong Patakaran sa Privacy para laging updated ang mga bisita ng Site sa aming mga gawi sa pangangalap at paggamit ng impormasyon.
Kung may tanong kayo tungkol sa aming Patakaran sa Privacy, makipag-ugnayan sa amin sa: hello@saturdayclub.com
KUMPANYANG SINGAPORE PRIVATE LIMITED 201219826D
Email:hello@saturdayclub.com

