Iyong Mga Madalas Itanong
Mga Isyu sa Order
Sundin lang ang mga hakbang na ito para mamili
1. Laging mag-log in muna sa inyong account sa pag-click sa Aking account sa kanang itaas. Ilagay ang inyong email address at i-tap ang black na arrow para magpatuloy— magpapadala kami ng one-time password (OTP) sa inyong email para ilagay ninyo at makumpleto ang pag-log in.
2. Kapag tapos na kayong mamili, i-click ang bag icon para makita ang mga item sa inyong bag at magbayad. Makikita ito sa kanang itaas ng screen. Kung kuntento na kayo sa mga item sa inyong bag, i-click ang 'MAGPATULOY SA CHECKOUT'.
3. Ilagay ang inyong email address at password o kung bagong customer kayo, magrehistro na. Dadalhin kayo sa Confirm and Pay page.
4. Suriin at kumpirmahin ang mga item sa inyong order.
5. Kung may discount code kayong gagamitin, ilagay ito sa tab na 'Apply Discount Code'.
6. Kumpirmahin ang inyong delivery address at delivery method.
7. Kumpirmahin ang inyong paraan ng pagbabayad at Place Order. Para mas maprotektahan ang aming mga customer sa online na pagbabayad gamit ang card, maaaring lumabas ang 3D secure na security measures. Nakadepende ito sa bank issuer ninyo at maaaring hilingin sa inyong maglagay ng password o kumuha ng security code sa email o telepono.
Magpapadala ng email confirmation sa inyong rehistradong email address para ipaalam ang detalye ng inyong order. Makabubuting tiyaking naka-mark na safe sender ang SaturdayClub sa inyong email account o tingnan ang junk mail, dahil maaaring awtomatikong doon mapunta ang aming mga email.
Naka-reserve ba ang mga item sa aking shopping cart?
Hindi nire-reserve ang mga item hangga't hindi pa nababayaran. Kaya inirerekomenda naming tapusin ang inyong purchase sa lalong madaling panahon para masigurado ang inyong mga item.
Kailangan ko bang magrehistro ng account para makabili?
Oo. Kailangan ng account para maisagawa ang inyong mga pagbili. Sa account din ninyo makikita ang detalye ng lahat ng inyong order.
Puwede ko bang baguhin o kanselahin ang aking order pagkatapos ng kumpirmasyon?
Napakabilis naming mag-pack ng order kaya hindi na kami makakagawa ng anumang pagbabago kapag nailagay na ito. Kasama rito ang pagpapalit ng mga binili, delivery address o paraan ng pagbabayad.
Sa bihirang pagkakataon ng pagwawasto ng address, maaaring magpataw ang aming courier partners ng bayad na hanggang US$12.
May kulang na item sa aking order, ano ang gagawin ko?
Maaaring ipinadala namin ang inyong mga item sa magkakahiwalay na parcel kaya tingnan ang inyong email kung may mga item na darating nang hiwalay.
Kung gumawa kayo ng maraming order sa loob ng ilang araw at ipapadala ang mga ito sa iisang delivery address, maaaring pinagsama ang inyong mga order sa isang parcel.
Libreng express shipping at handling para sa lahat ng order na may 2 item pataas. Darating ang inyong order sa loob ng 4 hanggang 9 araw ng trabaho.
May flat shipping fee na katumbas sa local currency ng USD10 ang mga order na wala pang 2 item, na awtomatikong kakalkulahin sa checkout.
Tandaan na hindi na ire-refund ang shipping fee kapag naipadala na ang order.
Nagpapadala ba kayo sa ibang bansa?
Oo, nagpapadala kami sa iba't ibang bansa.
Bisitahin ang www.saturdayclub.com at hanapin ang inyong local site.
Kung wala sa listahan sa itaas ang inyong bansa, mag-email sa amin sa hello@saturdayclub.com kasama ang inyong shipping address para makuha ang pinakabagong shipping rate at delivery time frame.
Anong mga delivery option ang available?
Nagde-deliver kami sa pamamagitan ng Skynet. Masusubaybayan ninyo ang inyong parcel sa https://www.skynetasiapacific.com/
Ano ang mangyayari kung walang tatanggap ng parcel sa araw ng delivery?
Direktang makikipag-ugnayan sa inyo ang aming courier partner para mag-iskedyul ng re-delivery kung hindi matagumpay ang unang delivery. Ibabalik sa amin ang inyong parcel pagkatapos ng sunud-sunod na bigong pagtatangka. Handa kaming i-redeliver ang inyong order sa maliit na redelivery fee.
Paano ko titingnan ang status ng aking mga order?
Magpapadala kami ng email notification na may delivery tracking information kapag naipadala na ang inyong order. Masusubaybayan ninyo ang inyong parcel sa pamamagitan ng ibinigay na link.
Darating sa inyo ang karamihan ng package sa loob ng 4 hanggang 9 araw ng trabaho. Kung hindi pa ninyo natatanggap ang inyong mga item pagkatapos ng 14 na araw ng trabaho, mag-email sa amin sa hello@saturdayclub.com, at tutulungan namin kayo.
Bakit naantala ang aking shipment?
Asahan ang 2 linggong pagkaantala sa shipping tuwing sale. Makatitiyak kayong nagsusumikap kaming maipadala ang inyong mga order sa lalong madaling panahon.
Duty Delivered Paid
Kasama na sa shipping fee na binayaran sa checkout ang customs at import duties
Returns
Dapat maibalik ang item sa orihinal nitong kondisyon (hindi binago, hindi nasira at hindi nalabhan), nakakabit ang secured tag, at nasa orihinal na ziplock bag na packaging.
Dahil sa hygiene, hindi puwedeng i-return ang earrings.
Tandaan na para sa beauty products, tumatanggap lang kami ng return sa mga item na hindi pa nabubuksan at hindi pa nagagamit, na buo ang packaging at kahon.
Ipadala pabalik sa amin sa pamamagitan ng registered mail o courier service na may tracking, dahil hindi kami mananagot sa anumang nawalang mail. Sasagutin ninyo ang return postage fee.
Dapat makarating sa amin ang inyong parcel sa loob ng 30 araw mula nang ipadala ang inyong order mula sa aming warehouse.
Maaaring tanggihan ayon sa aming pagpapasya ang mga customer na paulit-ulit na nagre-return ng item.
Kung sakaling hindi matugunan ang alinman sa mga kondisyon sa itaas, inilalaan namin ang karapatang tanggihan ang inyong return.
Punan lang ang return checklist na nasa likod ng inyong invoice at ipadala ito pabalik sa amin kasama ang item na ire-return. Ipadala ang mga return sa pamamagitan ng registered mail o courier service na may tracking, dahil hindi kami mananagot sa anumang nawalang mail. Sasagutin ninyo ang return postage fee. Itago ang tracking ID para sa sanggunian kung sakaling kailanganing tingnan ang status ng inyong return parcel.
Ipoproseso namin ang inyong return sa loob ng 7 araw ng trabaho pagkatapos matanggap at masuri na natutugunan ng natanggap na item ang lahat ng qualifying condition.
Ire-refund ito sa orihinal ninyong paraan ng pagbabayad at aabisuhan namin kayo sa pamamagitan ng system-generated email.
Kapag natugunan na ninyo ang mga qualifying condition sa itaas, ipadala sa koreo ang item na ire-return kasama ang return checklist sa secured na package papunta sa:
SaturdayClub Warehouse
24 Sin Ming Lane
#02-98 Midview City
Singapore 573970
Paumanhin, hindi kami makapag-aalok ng exchange. Kung kailangan ninyo ng ibang size o kulay ng item, puwede ninyong i-return ang item at gumawa ng bagong order.
Ipoproseso namin ang inyong return sa loob ng 7 araw ng trabaho pagkatapos matanggap at masuri na natutugunan ng natanggap na item ang lahat ng qualifying condition.
Awtomatikong ibabalik ang anumang refund sa paraan ng pagbabayad na ginamit ninyo sa orihinal na order. Karaniwang tumatagal ito ng 10 araw ng trabaho pagkatapos maproseso ang return.
Kung wala pa kayong natatanggap na sagot mula sa amin pagsapit ng ika-7 araw ng trabaho, sundin ang mga hakbang sa ibaba:
1. Posibleng minamarkahang junk mail ng inyong email software ang aming mga email. Para maiwasan ito, idagdag ang notifications@merchantyard.com sa address book ng inyong email.
2. Tiyaking pumayag kayong tumanggap ng aming marketing email sa pamamagitan ng pag-log in sa inyong account at pag-click sa “Newsletter Subscription”.
3. Tiyaking tama ang email address na inilagay ninyo nang mag-sign up kayo sa amin.
Kung hindi pa rin ninyo natatanggap ang aming email pagkatapos nito, mag-email sa amin sa hello@saturdayclub.com, at aayusin namin ito para sa inyo.
Dapat ipadala ang lahat ng ibinabalik na item sa orihinal nilang kondisyon at packaging, kasama ang mga tag. Kung sakaling ibalik sa amin ang item sa hindi angkop na kondisyon o lampas sa 30-araw na return policy, inilalaan namin ang karapatang hindi kayo i-refund. Kung gusto ninyong ibalik ang mga ito sa inyo, maaari naming hilingin na kayo ang sumagot sa delivery cost.
Dahil sa hygiene, hindi puwedeng i-return ang earrings, maliban kung nakasaad na iba. Tingnan ang impormasyon sa bawat product page namin.
Maaaring tanggihan ayon sa aming pagpapasya ang mga customer na paulit-ulit na nagre-return ng item.
Taos-puso kaming humihingi ng paumanhin at aayusin namin ito sa lalong madaling panahon.
Mag-email sa amin sa hello@saturdayclub.com kasama ang sumusunod na impormasyon sa loob ng 7 araw mula nang matanggap ang inyong order.
i. Invoice number
ii. Product Reference Number (Hal: AXXXXXX)
iii. Paglalarawan ng isyu
iv. Malilinaw na larawan ng depekto o maling item
Aayusin ito ng aming Customer Service team at babalikan namin kayo sa loob ng susunod na 7 araw.
Pagbabayad
Tumatanggap kami ng bayad sa pamamagitan ng Visa, Mastercard, AMEX, UnionPay, Shop Pay, Apple Pay, Google Pay, at PayPal.
Kung nahihirapan pa rin kayong mag-place ng order pagkatapos ng ilang pagsubok, mag-email sa amin sa hello@saturdayclub.com kasama ang screenshot ng error at aayusin namin ito para sa inyo.
Paumanhin, hindi kami makapagbibigay ng pisikal na resibo para sa inyong purchase.
Kung kailangan ninyo ng kopya ng inyong order, mag-log in sa inyong account at i-print ang kopya mula sa inyong order history.
Restock
Kung kasalukuyang ubos na ang item na gusto ninyo, aabisuhan kayo ng aming Back in Stock notification pagbalik nito.
Ganito ito gumagana:
- Piliin ang Gusto Ninyo: Piliin ang nais na kulay at size ng item na gusto ninyo.
- Notify Me When Available: Hanapin ang button na may nakasulat na “Notify me when available”. I-click ito para ipakita ang inyong interes.
- Ilagay ang Inyong Email: Ibigay ang inyong email address para makontak namin kayo kapag may stock na ulit ang produkto.
Technical
Malulutas ang karamihan ng technical na isyu sa pag-clear ng cache at cookies ng inyong browser. Tiyakin din na tinatanggap ninyo ang aming cookies.
Kung hindi kayo sigurado kung paano i-clear ang cache at cookies ng inyong browser, tingnan sa ibaba:
iOS - Safari
Kung gumagamit kayo ng Safari sa iOS device, pindutin ang Home button at pumunta sa Settings. Makikita ninyo ang Safari kasama ng iba pang app. Piliin lang ang Safari, tapos piliin ang Clear History at Clear Cookies and Data.
Pagkatapos nito, buksan muli ang Safari at pumunta sa aming website.
iOS – Chrome
Kung gumagamit kayo ng Chrome sa iOS device, buksan ang Chrome app at pindutin ang menu button sa kanang itaas na sulok (tatlong linyang nakapatong-patong). Piliin ang Settings at pagkatapos ang Privacy sa susunod na screen. Makikita ninyo ang mga opsyon para i-clear ang cache at cookies.
Pagkatapos nito, isara at buksan muli ang Chrome at pumunta sa aming website.
Android
Kung gumagamit kayo ng Android device, habang bukas ang inyong browser, pindutin ang Menu button. Piliin ang Clear Browsing Data at pagkatapos ang Privacy sa susunod na screen. May lalabas na pop up kung saan mapipili ninyo ang data na gusto ninyong i-clear. Lagyan ng tsek ang mga kaukulang kahon at pindutin ang clear button.
Kung wala sa listahan ang inyong operating system o browser, tingnan ang support document ng inyong browser na malamang makikita ninyo online.
1. Burahin ang inyong cookies
Maaaring kailanganin ninyong burahin ang inyong cookies - maliit na file ang cookie na itinatago namin sa inyong computer para malaman namin kung sino kayo sa susunod ninyong pagbisita (para sa higit pang impormasyon tungkol sa cookies, i-click dito).
Tandaan na kung may mga item sa inyong bag o sa 'Saved items' section na idinagdag noong hindi pa kayo naka-log in, itala ang pangalan/code ng produkto dahil maaaring mabura ng pagbura ng cookies ang history na ito.
Sa karamihan ng internet browser, mabubura ninyo ang cookies gamit ang ‘Tools' o ‘History'.
2. I-restart ang inyong browser
Kapag na-clear na ninyo ang cookies, isara ang browser, buksan itong muli at bisitahin ulit ang aming site. Dapat magamit na ninyo ito nang walang problema.
3. I-update ang inyong operating system
Iminumungkahi rin naming gamitin ang pinakabagong bersyon mula sa provider ng inyong operating system, hal. Windows, OSX at iba pa.
4. Makipag-ugnayan sa Amin
Kung may problema pa rin kayo, makipag-ugnayan sa aming Customer Care Team sa hello@saturdayclub.com kasama ang sumusunod na impormasyon:
- Hangga't maaari, detalyadong paglalarawan ng isyu
- Mga screenshot ng anumang error message na lumabas
- Aling web browser ang gamit ninyo (hal. Internet Explorer, Firefox, Chrome, Safari at iba pa)
- Ang mga nagawa na ninyo para subukang ayusin ito
Kailangan ninyong mag-sign in sa inyong account bago kayo makapamili sa amin o kung gusto ninyong makita o masubaybayan ang inyong mga order, sa mga hakbang sa ibaba:
I-click ang Aking account sa kanang itaas. Ilagay ang inyong email address at i-tap ang black na arrow para magpatuloy— magpapadala kami ng one-time password (OTP) sa inyong email para ilagay ninyo at makumpleto ang pag-log in.
Kung hindi pa rin kayo makapag-log in, makipag-ugnayan sa aming Customer Care Team sa hello@saturdayclub.com kasama ang mga screenshot ng anumang error message at tutulungan namin kayo mula roon.

